gising pa ako? ngunit hindi naman ako nagtratrabaho o nag-aaral, wala lang sanay pa siguro yung body clock ko na kung anong oras na matulog, pero kailangan na uli baguhin ang ganitong sistema, dahil soooooon…
kasi naman ngayong araw na ito, super lamig ng hangin kahit nasa byahe sa open-air na bus, masandal kalang, enjoy ng matulog eh, pero hindi ko nagawa, dahil super lapit lang ng byahe ko kanina hanggang bahay
bale nag SM tour pala ako kanina, mula SM Rosario ng lunch at SM Bacoor ng dinner… tapos nadin ang lab test ko kanina, kahit lunch time, inaacomodate nila ako dun, bait nila, sample ng wiwi, pupu, dugo at xray… so mamaya naman babalik uli ako sa SMRo para sa Physical exam naman, naku naku kinakabahan na ako, makakapasa kaya ako? nawa’y oo naman, oh please…
unfortunately, kapag pumasa ako sa proseso, eh eh by saturday maaari na akong magumpisa kaagad-agad, huwaaat diba? sayang at may lakad ako sa linggo sa tagaytay, at ayun baka hindi pa mapasama… basta pagdasal ko nalang na walang makitang negatibo sa aking medical… BASTA!
ang gulo ng kwento? sabog kasi utak ko ata ngayon? balik na ako sa pagbabasa ng THE THRONE OF FIRE, next book kaya?