bente-dos sa bente-tres
nagsimula ang kahapon ng alas-dose ng madaling araw, kung saan hindi pa ako natulog ng maaga hanggang umabot ang ala-una kung saan napagdesisyonan kong matulog dahil magsisimba gabi pa kami. alas-dose palang ay sunod-sunod nadin ang mga pagbati sakin sa iba’t-ibang micro-blogging site at social networking sites.
pulang shirt - para halatang may birthday…


bumangon sa kama ng saktong alas-tres para maghanda sa pagsimba, ginising ang aming helper na kasama ko sa pagsimba, hanggang unti-unti nading nagising ang aking mga kapamilya na may kasamang pagbati-kiss-and-hugs (na mas kailangan ko sa stressful Christmas season ko…)
alas-4 nadin nung nakarating ng simba, nag-uumpisa na ang misa, kaya naman sa labas na lamang kami ng simbahan at nakatayo, sadyang madaming tao talaga kapag simbang gabi (simbang tabi)
hindi ko ding inaasahan na may mga kabatch ako na bumati sakin ng happy birthday at merry christmas mula sa madla —- salamat!
pagkatapos ng misa, dumarecho kami sa gilid sa tindahan ng mga puto-bumbong at bibingka, bumili ng ilan para may konting handa at tumawad ng konti
- kung ang puto bumbong ay nagkakahalaga ng Php15 isang balot, nakabili ako ng 7 sa halagang Php100 lamang, libre ng Php5
- at sa bibingka - Php80 each, pero nakabili ng Php150 dalawa, libre Php10

pumunta ng palengke sa pwesto para maghatid ng simpleng handang puto bumbong at bibingka, at manghingi din ng pera pambili ng inipit para sa gift-giving sa hapon (PAMANA EXTENDED)

pagkatapos mamili ay kailangan naman mag-almusal, breakfast @ McDo with ate Nita…

pagkauwi namin, natulog muna ako mula 7am hanggang 10am (puro 3 hours lang ang tulog ko), nagready naman ako para sa gift-giving, hinanda ko na ang tarp at inipit at mga ireregalo…
bandang ala-1, andyan na ang mga bata sa labas, at tinawagan ko nadin si kapitan para papuntahin nadin yung ibang mga kabataan



halos alas-3 nadin natapos ang aming gift-giving, kaya naman pagka-uwi eh, nagpalit lamang ng damit para naman pumunta ng SM at nagshopping kasama si mommy (namili para sa mga customers namin ng souvenirs)
pero bago umalis kumain muna ako ng spaghetti ng kaunting handa na niluto ng aking mommy at ate nita
sa SM, ayun madami ding nakitang kakilala, at ang super dami ng tao, buti nga hindi ako nahilo. at ayun syempre nagpabili din ako ng shorts from HUMAN
tapos bago kami umuwi nagbayad muna ako sa GCASH para sa pinurchase kong FILED 2012 planner, yun nga lang iniwan na ako nila mommy, dahil super tagal ng service, kesyo insufficient fund daw sila kahapon. talagang ang tagal ng service, nakausap ko na nga yung SK Kagawad ko, isang Konsehal ng bayan sa pila.
pagka-uwi ko naman may additional na handa, may litsong manok plus barbeque…
bago ako umuwi galing SM, tumawag ang Regional VP ng JCI Cavite-West na pipick-upin na niya yung mga donations galing sa iba’t-ibang chapters para sa mga nasalanta ng bagyong Sendong sa CDO


at biglang nang-udyok ang aking kapatid sa daddy ko na bumili ng pizza, kaya naman powerful siya eh, dagdag na handa nanaman MONSTER MEAL ng Shakey’s
burp! SUPER BUSOG talaga, dami food!
(a simple birthday of Iskaterpilar…)

























